Freelance Jobs

Wednesday, March 24, 2010

Nora Aunor wins Asian Actress of Decade

Tatanggap ng parangal ang Superstar na si Nora Aunor bilang isa sa "Ten Best Asian Actresses of the Decade" sa gaganaping seremonya ng 2010 Green Planet Movie Awards sa Los Angeles, U.S.A sa Marso 23, 2010.

Noong nakaraang buwan ay lumabas na kasama ang pangalan ni Nora sa listahan ng 30 aktres mula sa Asia-Pacific region na nominado sa naturang kategorya na paglalabanan batay sa pinakamaraming boto sa Internet. (Basahin: Nora Aunor nominated for best Asian actress)

Sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) kamakailan, sinabing ipinaalam ni David R. Bracey, Organizing Committee Vice-Chair ng 2010 Green Planet Movie Awards, kay Ms. Cece Valdez ang pangunguna ni Nora sa naturang online voting.

Si Valdez ang nagsisilbing executive assistant ng Superstar sa America.

"The international viewership has selected Nora Aunor as one of the ’20 Best International Actress of the Decade. In fact, she was the #1 choice in this category," nakasaad sa sulat ni Bracey na ipinadala sa pamamagitan ng e-mail.

Dahil dito, inimbitahan ni Bracey si Nora na dumalo sa awards night ng Green Planet Movie Awards (dating Green Globe Films Award), sa Marso 23 (araw sa US) na gaganapin sa Westin Bonaventure Hotel sa Los Angeles.

Inihayag naman ni Valdez na kinumpirma umano ni Nora, nakatira ngayon sa Beverly Hills, California, na dadalo ang batikang Pinay actress sa pagtitipon, ayon sa ulat ng PEP.

Isa sa mga magiging highlights ng awarding ceremony ay ang pagbibigay ng pagkilala sa kontribusyon sa film industry ng Japanese director na si Akira Kurosawa na magdiriwang ng kanyang ika-100 taong kaarawan.

Inaasahang dadalo rin at tatanggap ng kani-kanilang parangal ang iba’t-ibang aktor at aktres mula sa iba’t-ibang panig ng mundo kabilang na ang mga celebrities mula sa Hollywood at Asia.

Bukod sa pagpapahalaga sa industriya ng pelikula, isinusulong din ng Green Planet Move Awards ang pangangalaga sa kapaligiran at pagsuporta sa mga mamamayan na nangangangailan ng tulong.

David Mikael Taclino
Inyu Web Development and Design
Creative Writer

0 comments:

Post a Comment

Share

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More